Ricky Lee's Films
Ricky Lee has written more than 180 produced film scripts, earning him more than 80 trophies from award-giving bodies, including
life achievement awards.
Himala (1982)
Isang babae, si Elsa (Nora Aunor), ang nagsabing pinagpapakitaan siya ng Mahal na Birhen. Nagbago ang buhay ng buong baryo dahil sa pagdagsa ng mga turista at sa huli ay kinailangang sabihin ni Elsa ang katotohanan.
Anak (2001, co-writer)
Kuwento ng isang domestic helper sa Hongkong (Vilma Santos) at ang kanyang mga pagpupunyagi upang makakonekta uli sa mga anak, lalo na kay Claudine Barreto), na tuluyan nang napalayo ang damdamin sa kanya.
Labs kita... Okey ka lang? (2000, co-writer)
Bujoy and Ned have been inseperable since childhood. Ned forms a band while Bujoy escapes her family through art. Not wanting to ruin their friendship, Bujoy resolves to hide her feelings for Ned when he starts dating her balikbayan friend, Mary Ann.
Relasyon (1982, co-writer)
Kuwento ng isang kerida (Vilma Santos), at ang kanyang pakikipagtunggali upang makakuha ng respeto at pagmamahal sa isang mundong mababa ang tingin sa mga kagaya niya.
Moral (1982)
Kuwento ng apat na magkakaibigang babae na nagpapakita ng mga nagbabagong kamalayan sa pagtingin ng lipunan sa babae.
Madrasta (1996, co-writer)
Kuwento sa punto-de-bista ng isang madrasta (Sharon Cuneta), at kung paano sa wakas ay naunawaan niya ang kanyang katayuan sa buhay.
José Rizal (1998, co-writer)
Pagsasadula ng buhay ni Jose Rizal (Cesar Montano). mula pagkabata hanggang sa pagkamatay niya.
Muro-Ami (1999, co-writer)
Buhay ng isang makasariling pinuno ng mga barkong nagpapatrabaho sa mga muru-ami, at unti-unting pagkamulat niya hanggang sa makatagpo siya ng tinatawag na redemption.
Brutal (1980)
Imbestigasyon ng isang peministang writer (Charo Santos) sa pagpatay ng isang babae (Amy Austria) sa kanyang asawa at mga kabarkada nito (Jay Ilagan). Di nagtagal ay makikita kung papaanong sangkot din ang best friend ni Amy na si Gina Alajar, at ang isyu ng mababang pagtingin sa kababaihan sa ating lipunan.
Karnal (1983)
Isang modernong babae, (Cecille Castillo) ang dinala ng kanyang asawa (Phillip Salvador) sa kanilang baryo noong 1930’s. Habang ipinakikita ng kuwento ang patriyarkal na pagtingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan ay unti-unting nagdadala ng trahedya ang pagdating na ito ni Cecille, at mababago ang buhay nilang lahat.
Salome (1981)
Isang babae (Gina Alajar) ang parang sirenang nagdadala ng tukso, at kamatayan, sa isang fishing village.
Sabel (2004)
Isang babae, si Sabel (Judy Ann Santos), ang lumaking wasak ang pagkatao at di malaman kung sino siya, o ano siya. Sa mga mata ng iba’t ibang taong iniinterbyu ay makikilala kung ano talaga si Sabel.
The Flor Contemplacion Story (1995, co-writer)
Buhay ng isang domestic helper sa Singapore (Nora Aunor) na naakusahan ng pagpatay sa kanyang kapwa DH na Pilipino.
The Dolzura Cortez Story (1993)
Isang babaing may AIDS (Vilma Santos) ang unti-unting makakakita na ang mahalaga ay hindi ang kung paano ka mamamatay, kundi kung paano ka nabubuhay.
Remake ng klasikong pelikula ni Celso Ad. Castillo.
Gumapang ka sa Lusak (1990)
Isang babae (Dina Bonnevie) na naging kabit ng pulitiko (Eddie Garcia) at inapi ng isang mala-Imeldang karakter (Charo Santos) ang utni-unting matututong bumalikwas at lumaban.